Saturday, March 4, 2017

10 THINGS I HATE ABOUT YOU

 

How do I love you? Let me count the ways... uhm... it'll take another 21 years to do so... so allow me to just share some not-so "unlovable?!" things about you (Not the SSPG ones syempre) to "my" public... NAKAKAUMAY NA RIN KASI NA LAGI KITANG MAHAL... PARA MAIBA NAMAN... MATINDIHANG SIRAAN 'TO haha...
  1. Pahamak ka sa buhay ko... dahil sa mga binibigay mo sa akin maraming nayabangan sa akin gusto ko lang naman ipakita na kahit ulila na ako sa Tatay, may Tatay ako sa piling mo... (di ko naman sinasabing mukha kang matanda kasi may mga bagay na obvious na kaya wag na nating pagdiinan pa diba hahaha joke lang) ---I'm a Daddy's girl--- he told you that the very first time you had a conversation at sinabi nya rin sa'yo na: WHAT RENEE WANTS, RENEE GETS... oo kasi kahit di kami mayaman, di ko naramdamang may kulang dahil binibigay nya lahat ng pangangailangan at gusto ko... di ko alam kung sinabi nya sa'yo yun para ma-turn off ka sa akin and make you walk away o dahil iba talaga ang bet nya for me (remember ang "mga" katapat mo: YAYAMANIN at MAHAL NA MAHAL AKO HIGIT PA SA KAYAMANAN NILA--- may Animo La Salle --- may Anak ng Heneral --- may Kaisa-isang Anak na tagapagmana ng Hotel/Resort at kasosyo ng may-ari ng Monterey --- May Anak ng kumpare nyang kalaro ko mula pagkabata na dito na rin naman sa America namamayagpag --- aba eh kung babalikan nga natin ano, sa dugyot kong yun noong mga panahong yun may bertud talaga ko sa mga lalaking nakakaluwagluwag sa buhay o sadyang balak lang nila kong gawing aliping namamahay bwahahaha...) when Tatay died, di ko nararamdaman na nawala sya (materially speaking, kasi parang sya ka rin lang di ko alam san nyo kinukuha mga perang pinambibili nyo sa mga bagay na tinitigan ko lang eh inassume nyo na agad-agad na gusto ko at binibili nyo ora mismo para sa akin) sa mata ng madla ako na ang MATERYOSA AT MAYABANG (walang benefit of the doubt na baka sadyang trip nyo lang bumili at ibigay sa akin at bilang pa-thank you ko eh isinusuot, ginagamit at ipinagmamalaki ko hindi ipinagyayabang:magkaiba po yun- sila na lang ang nakikitingin ako pa rin ang may kasalanan) weh di hindi na ako magdedeny eh diba nga nasa pangalan ko naman. Kailangan pa bang ipaliwanag kung bakit ako maya-BANG?! Ang totoong niyayabang ko at di ko ipagkakaila na masaya ako sa mga binibigay ninyo o ng kahit sino (GRATITUDE IS THE BEST ATTITUDE)... kung pwede ko lang nga ipakita lahat ng blessings bakit hindi? Kasi what people see (especially sa mga social media accounts ko is just a few... there is more to it than meets the eye... na mas nakakainggit para sa akin-pagmamahal na unconditional (yun na nga kahit mukha akong dugyuting banlag eh para akong dyamante sa mga taong nagpapahalaga sa akin), buo at masayang pamilya (both sides pati na rin mga pamilya kong kaibigan sa dugo pero pamilya kung pahalagahan ako-hay naku salamat po nakakataba kayo ng puso), masasayang alaala (dulot nilang mga nagmamahal sa akin), matatag na Pananampalataya (mga Panalanging di ko pa nasasabi pero naipagkakaloob na, yung tipong imbes na humingi sasabihin mo na lang SALAMAT PO TALAGA)---mas mahahalaga yun kesa sa mga bagay na nabibili)
  2. Adik ka! Adik ka sa akin! Haha... pero wag kang mag-alala di kita papangalanan basta wag ka na lang manlalaban... Nabawasan ako ng mga tao sa mundo ko dahil sa sobrang pagmamahal mo sa akin, tinago mo ko para walang umagaw (lakas mo ring makamaganda eh nagfeeling tuloy ako-napaniwala mo kong di kami nagkakalayo ni Alicia Silverstone haha yun pala Annie Batumbakal na taga-Kamuning nag-assume lang ako tapos pinaramdam mo na may anggulo akong Georgina Wilsmith hahaha anggulo mo) lalo na nung may mga kumausap sa'yo nung nawala na ang Tatay ko na kung sasaktan mo ako ibigay mo na lang ako sa kanila kahit may take one na (kasamang hinihingi pati anak mo di lang ang kamay ko) kaya siguro 3 beses mo kong pinakasalan walang katakas takas... in fairness sa'yo ibinalik mo naman ako sa mundo, yun nga lang bilang na lang ang naging kaibigan ko. Pagnagtanong tungkol sa'yo nag-assume naman ako gusto kong maging close pero nung nagsabi ako ng totoo kung gaano mo ko kamahal nayayabangan sa akin, pag understatement naman minsan ang kwento ko forced humility daw peg ko o kaya kinakawawa kita... ang kwento natuloy sa lumiit na talaga ang mundo ko--- pero ok lang at least ngayon alam ko yung natirang naglakasloob magstay bilang kaibigan natin mga totoong tao. 
  3. Wapakels ka! Walang pakialam, you don't give a damn... o sige pagandahin natin--- anumang walang kinalaman sa akin, YOU JUST DON'T CARE... Nawalan ka ng mundo-choice mo naman yun dahil sa pagmamahal mo sa amin ng anak mo kulang ang 24/7 para sa'yo para magsali pa ng iba mundo mo pero ako pa rin ang nasisi ng mga tao sa buhay mo nung wala pa ako dahil para sa tingin nila hindi ako karapat dapat sa'yo... pati ba yun ako pa rin ang may kasalanan... ikaw ang namili pero ako ang nachismis... ikaw ang walang pakialam pero ako ang masama... oh eh di ako na rin ulit... iniisip ko nga kung pati ba sa issue ni McArthur ako din ba dahilan bakit nya sinabing "I SHALL RETURN"? Kasi kulang na lang isali ako sa mga suspect sa pagpatay kay LapuLapu (hello, Bangus lang ang isdang kinakain ko---fishes are friends not food!)
  4. Pakialamero ka! Pangarap ko pero ikaw ang tumupad... messages ko pero ikaw ang nagbabasa (at nagbubura)... pagmay nanakit sa akin in-unfriend mo o ina-unfollow... FB at IG ko ikaw ang napopost pero ako ang MAYABANG... pero dahil din dun marami akong nakilala at nakitang masasakit na katotohanan... masyado mo akong pinrotektahan sa sakit binigyan tuloy ako ng bonggang physical at terminal diseases na di mo na kayang kunin at angkinin... pero dinala mo naman ako sa pinakamagagaling na doctor dito sa mundo na inakala ng ibang tao ako na naman ang nagplano. At trip trip ko lang tong sakit ko... kundi di lang talaga masamang humiling minsan gusto lahat ng nagdududa sa sakit ko maranasan nila kahit isang araw lang yung pinagdurusahan ko hihilingin ko talaga eh kaso bad yun. Kaya duda pa more, basta alam ko naman yung totoo mumultuhin ko na lang sila pagnauna ako... joke lang... pati dun nagagalit ka pero di nila alam... (pero dahil si Dory ka este si Rory ka: may short term memory loss ka rin so pagnagagalit ka sa tao di naman tumatagal... ang di ko lang maintindihan bakit yung pagmamahal mo sa akin di mo malimutlimutan kahit sandali lang--- sige babalik na naman tayo sa pananampalatayang mong maganda ako?) 
  5. Napakaseloso mo! Lahat ng nagmamahal sa akin hinihigitan mo, bago ko pa suklian pagmamahal nila minamahal mo na ng higit pa sa pagmamahal ko sa kanila pati hanggang sa pareregalo lahat talaga inangkin mo, iisa na nga lang bestfriend ko ginawa mo pang-Babe mo eh di pagmay matindihang lihim ako ikaw pa unang nakakaalam... lahat naman ng nanakit at nagpaiyak sa akin sinigurado mong mawawala sa buhay ko. Kasalanan din naman nila kung bakit minahal mo ko ng ganto dahil pinunan mo lang naman lahat ng ipinagkait nila sa akin pero salamat na rin dahil dun nagkaron ako ng dahilan para marapatin ko silang kalimutan na lang kesa umasa sa wala. Sana minahal na lang nila ko para di ka bumongga at tumodo sa pagbibigay at pagaalaga sa akin ng ganito. Pero sa paningin nila ang tanga tanga mo, di nila alam sila ang dahilan para magbigay ka ng higit pa sa deserve ko. At sa lahat ng nangahas at naghangad sirain tayo o ako sa'yo salamat rin dahil sa kanila din mas lalo lang tayong naging unkaboggable duo: solid tayo. 
  6. Ang KULIT KULIT MO! 21 years na Bebeh ko... may naniniwala pa rin na gayuma ang ginawa ko sayo... kung alam lang nila kung ilang ulit akong lumayo para tantanan mo na ako pero habang yun ang ginagawa ko mas minamahal mo ko. Pasaway ka masyado... 
  7. Ang DALDAL MO! Saksi dyan lahat ng nakakausap ko... gusto mong laging bahagi ng bawat bagay sa buhay ko... at minsan dahil naapektuhan ako kinokontak mo pa talaga sa likod ko ah... sinasaway mo ang lahat ng nananakit, sinusuway mo ang batas pag ako ang maiipit, at kahit anong bait mo kapag ako ang kinalaban nakakatikim sila ng mga salitang di nila kinakayang paniwalaang sa puso mo galing kasi tagos sa buto at may pait... may mga laban na ibalato mo na sa akin tulad ng mga Doctor na nakikipag-usap sa akin (marunong akong mag-English, masyado ka!) Ay hindi nga pala yun ang dahilan kasi nga minsan may mga Doctor din na di mo maintindihan sasaksakan ka ng gamot na pangpakalma/pampatulog/pampabangag tapos sabay kakausapin ka at tatanungin ng "HOW ARE YOU FEELING?!" Tapos pagdi nila naiintindihan sa'yo rin naman ang uwi ng usapan... haaayyy pasaway kayong parepareho...
  8. Bukas naman inaantok na ko eh hehe.... going back... OA ka!Sa lahat ng bagay, OA ka magmahal, OA ka mag-alaga, magprotekta... Di ako nasasakal... just hate being hated, suffering the consequences of your pagka-OA... Ayaw mo ng masaya lang kami... gusto mo masayang-masaya kami... Sa mga gamit na binibili mo for me (especially) you always want the LIMITED EDITIONS kasi ayaw mo ng may kapareho ako, you always want me to stand out... at dahil dun hindi nahahalata ng mga taong maysakit ako (not that I don't want then to see it but along withem not seeing it meant, not believing me too.... but what the heck, the price I have to pay is waaaaayyy too simple than the perks I get to have by being MRS. RORY CONCEPCION... OA ka dahil di ka nahihiyang makipagrub elbows sa mga designer executives just to get me the exclusives, the first items (pati yung mga di pa lumalabas sa mall meron na ko, eh di ikaw na ang insider) from make-up to clothes and shoes wala kang pakialam mapagkamalan kamang closet gay basta mabili mo at maiuwi mo ang mga girly stuff you want to give me... 
  9.  OC ka disorder yun kaya wag kang matuwa... you want me to experience the best things life has to offer... you make the impossible, possible... you make everything DOABLE... Your hopes are too high kahit mga doctor na nagpakaexpert sa sakit ko ang nagsabi sa'yo what to expect as they (my diseases) progress... You also make sure that you don't miss a thing about your son's life... Nalimutan mong nasa US ka na at ang anak mo ay almost 20 na... You still make it appoint he gets to sleep 8 hours a day, eat healthy (hence, you learned to cook "HEALTHY MEALS") Mula nagkasakit or let me rephrase it, mula nung nalaman na natin ang mga congenital illnesses ko, inassume mo na ang position ko bilang NANAY sa pamilya natin... Sa pagiging OC mo, dumami masyado mga ginagawa mo... No wonder people at work felt bothered that you might not be able to meet their expectations---but you amazed them and actually exceeded their expectation... di mo naman kasi sila na-heads up na IKAW SI SUPERMAN... at kahit ako ang iyong Kryptonite eh ako rin ang bato mo mula kay Ding tuwing gusto mong maging si Darna... kung sa Sex and the City, ako si SJP - Carrie at ikaw naman si Big... inangkin mo naman ang SJP role sa I DON'T KNOW HOW SHE DOES IT... pero believe me, kahit ako, I don't know how you do it... so well, na di ko halatang NAPAPAGOD KA... yung totoo, aminin mo, IMMORTAL KA BA? SAN GALING ANG LAKAS MO? SINO KA BA TALAGA?
  10. NAKAKAINGGIT KA! at napapamukha mo sa akin talaga na wala na akong kailangan gawin kundi magaling, inalis mo ang karapatan kong umangal dahil ang PERFECT mo... iyak ka rin paminsan para maramdaman ko namang tao ka rin... inalis mo rin ang karapatan naming humiling, kasi with you, nasa amin na ang lahat---- yung pagmamahal mo sa amin nakakaparalyze, I will never doubt kung dumating yung araw na baka pagnalimutan kong huminga ikaw na rin ang gagawa nun para sa akin... andaming sumubok agawin ka sa amin (pwede bang mag-namedrop?) joke... pero kahit sila sumuko at pinili na lang na kaibiganin ako para lang wag silang mawala sa buhay mo... pati mga kaibigan ng anak mo hinihiling na ikaw na lang ang maging Tatay nila... dahil nakakainggit nga... at lahat yan dahil ikaw nga si BIG.... you have a big heart, big soul, big **** SSPG ---etc... that makes you not just one in a million but UNIQUELY THE ONE! My ONE AND ONLY GREAT LOVE... and that is an understatement--- YOU ARE LARGER THAN LIFE!!!!!!!!!
     
    HAPPY 1ST BIRTHDAY, BIG!
    I LOVE YOU VERY MUCH BEBEH KO!!!
    (IN EVERY SENSE OF THAT WORD)

1 comment: